LAOAG CITY – Daan-daang bala ng baril ang nadiksubre ng mga magsasaka sa kanilang hinuhukay sa Sitio Bangalan iti Brgy. Estancia, Piddig, Ilocos Norte.
Ayon kay PLt. Rudy James Jacalne, ipinaalam sa kanila ng mga magsasaka na maraming bala ng baril habang naghuhukay sila para sa paghahanda nila sa pagtatanim ng talong.
Agad naman umanong nagtungo ang kapulisan at tumulong pa sa paghuhukay sa tulong na rin ng EOD ng Ilocos Norte Police Provincial Office.
Sinabi nito na halos 300 na bala ng iba’t-ibang matataas na klase ng baril at ang mga ito ay kinakalawang na.
Hinggil dito, inihayag naman ni PLt. Singrid Caccam, ang pinuno ng EOD team ng INPPO na ang mga bala na nahukay ay para sa 50 calibre machine gun, anti aircraft gun at ang mga iba ay hindi pa madtermina ngunit pwede pa umano itong pumutok.
Pwede aniya na ibinaon sa lupa ang mga bala noong Word War II.
Sa ngayon, nasa kustudiya ng EOD team ang mga nahukay na bala ay dadalhin sa Capaz, Tarlac para sa disposal process.