-- Advertisements --
Hindi pa nakikita ng Department of Agriculture na magpatupad ng Suggested Retail Price o price ceiling sa mga presyo ng bigas sa bansa.
Ito ay kahit na umabot na sa P75 per kilo ang presyo ng bigas sa ilang lugar sa Bicol region.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa, na nakatuon ang kanilang atensyon ngayon sa pagpaparami ng suplay ng bigas.
Pagtitiyak niya na ang pagtaas ng presyo ng bigas ay kanilang tatalakayin sa pulong mga gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Magugunitang iginiit ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na target pa rin nila na magkaroon ng P20 na kada kilo ng bigas sa bansa.