Tiniyak ng Department of Agriculture na sapat pa rin ang supply ng manok at bigas hanggang matapos ang kasalukuyang taon.
Sa isang pahayag, sinabi ni DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, wala silang namamataan na magiging problema sa supply ng manok ngayong taon.
Batay sa ginawang pagtataya ng ahensya, mayroong sosobrang 120 na araw sa supply ng manok na tiyak na aabot pa hanggang sa taong 2024.
Bukod dito ay bumubuti na rin aniya ang national stock inventory ng bigas sa ating bansa.
Samantala, inaasahan naman ng DA na sa pagtatapos ng buwan na ito ay aabot sa 77 na araw ang imbentaryo sa bigas sa buong bansa.
Itoy dahil ang buwan ng oktubre ay peak season.
Dagdag pa nito na malaki ang tulong ng tulo-tuloy na pagdating ng bigas na nakadaragdag sa supply ng bansa.
Kumpyansa rin ang ahensya na sapat ang supply ng bigas hanggang sa unang quarter ng taong 2024.