Tiniyak ng Department of Agriculture ang nakahandang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang maaapektuhan ng pananalasa ng bagyong Goring.
Kahapon ng opisyal na binuhay ng naturang ahensiya ang mga Regional Disaster Risk Reduction Management Center nito, upang tumutok sa epekto ng bagyo sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Batay sa naging advisory ng DA, nakapagpre-position na ito ng mga kinakailangang hybrid seeds ng palay at mais para sa mga magsasaka.
Maliban dito, mayroon din umanong sapat na supply ngmga gamot at vitamins para sa mga livestock at poultry na nakalagay sa mga storage facilities ng naturang tanggapan.
Pagtitiyak ng naturang kagawaran na patuloy itong makikipag-ugnayan sa mga Local Government Units sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Goring.
Nauna na ring nagbigay ng abiso ang naturang ahensiya sa mga magsasaka at mangingisda bago pa man ang pananalasa ng naturang bagyo.