-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture ang posibilidad ng pagrekomenda ng independent laboratory upang suriin ang kalidad ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa.

Ito ay kasunod ng privilege speech ni Senator Raffy Tulfo noong Lunes kung saan inihayag niya na idineklara ng NFA quality officer ang good rice na hindi na maganda ang kalidad ng upang maibenta sa ilang traders.

Ikinokonsidera din ng ahensiya ang pagbusisi sa umiiral na mga polisiya ng NFA. Ito ay upang matukoy kung nasunod ang mga patakarang inisyu ng NFA Council na governing body ng NFA noong 2019 hanggang sa kasalukuyan.

Isang rekomendasyon na isinasaalang-alang ay ang pagtitiyak na natutugunan ang mga pangangailangan ng disaster response agencies.