Patuloy ang laban ng Hollywood icon na si Bruce Willis, 70, sa frontotemporal dementia (FTD), isang progresibong kondisyon na unang napaulat noong 2022 matapos siyang ma-diagnose ng aphasia.
Ayon sa mga ulat noong 2023 at 2024, halos hindi na makapagsalita si Willis at hindi na rin nakakabasa. May mga ulat din ng kaunting problema sa kanyang paggalaw, bagaman walang opisyal na detalye mula sa pamilya kamakailan.
Noong Abril 2025, naglabas ng update ang pamilya ni Willis, kung saan tiniyak nilang nananatiling stable ang kanyang kondisyon sa kabila ng tuloy-tuloy na progreso ng sakit.
Ibinahagi rin nila ang kanilang pagkakaisa at suporta para sa aktor sa gitna ng kinahaharap nitong pagsubok.
Wala pang opisyal na kumpirmasyon ng karagdagang paglala sa kalusugan ni Willis sa mga nagdaang buwan.
Sa kabila ng haka-haka at pag-aalala ng publiko, nagpapasalamat ang pamilya sa patuloy na pagmamahal at suporta mula sa mga tagahanga.
Nabatid na ang FTD ay nakakaapekto sa bahagi ng utak na may kinalaman sa ugali, personalidad, at pagsasalita. Mas bihira ito kaysa Alzheimer’s at karaniwang umaatake sa mas batang edad.
Samantala patuloy ang pamilya ni Willis sa pagbibigay-kaalaman tungkol sa sakit at sa paghingi ng pang-unawa at malasakit ng publiko.
Kinilala si Bruce sa kanyang mga sikat na pelikula tulad ng ”Split (2016),” ”Glass (2019),” ”Die Hard (1988),” ”Pulp Fiction (1994),” ”The Sixth Sense (1999),” at ”Looper (2012).” Nagwagi din ito ng Golden Globe Award bilang
Best Actor para sa Television Series na musical comedy ”Moonlighting (1987),” at nauwi ang Primetime Emmy Awards
bilang Outstanding Lead Actor sa Drama Series na Moonlighting (1987).