-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang pagbisita sa mga palengke upang matiyak na stable ang supply at presyo ng mga bilihin ngayong holiday season.

Pinangunahan ni DA Undersecretary for Operations Roger Navarro ang unang round ng random market inspections sa paligid ng Metro Manila, simula sa Quezon City.

Tiniyak ni Navarro sa publiko na may sapat na suplay ng karne, manok, gulay at isda nang siyasatin niya ang Mega Q-Mart at Kamuning Public Market sa Quezon City.

Aniya, bukod sa market inspections, tinatalakay ng DA sa iba pang ahensya ng gobyerno ang posibleng interbensyon para matiyak na mananatiling stable ang presyo.

Nakikipag-ugnayan aniya ang DA sa National Price Coordinating Council para masiguro na hindi rin bumabaha sa merkado ang mga imported na produkto at matabunan ang mga local producer.

Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau sa mga inspeksyon sa mga pamilihan.