-- Advertisements --

Iginiit ng Department of Agriculture na walang rason para magtaas ng presyo sa bigas sa kabila ng iniwang pinsala ng nagdaang bagyo sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Agriculture Secretary Arnel de Mesa na maganda ang naging ani noong dry season. Mayroon ding sapat na aning palay at mataas din ang lebel ng importasyon.

Base sa datos noong Hulyo 23 ng DA-Bantay Presyo, ang presyo ng local regular-milled rice sa Metro manila ay nasa P45 hanggang P50 kada kilo at P45 hanggang P55 kada kilo para sa well-milled rice.

Habang ang imported regular-milled rice naman ay pumapalo sa P46 hanggang P52 kada kilo at P51 hanggang P53 kada kilo naman para sa imported well-milled rice.

Ayon kay ASec. de Mesa, ang kasalukuyang dami ng inangkat na bigas ay nasa 2.4 milyong metrikong tonelada na.

Batay naman sa Philippine Statistics Authority, sa datos noong Hunyo 1, tinatayang nasa 2.16 million MT ang dami ng rice stock inventory ng bansa.

Samantala, tiniyak naman ng Da ang patuloy na pagbibigay ng tulong para sa mahigit 9,000 magsasaka at mangingisda matapos pumalo pa sa P203.38 million na ang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastruktura.
Top