Nag-take over si Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban bilang officer in charge ng Sugar Regulatory Administration (SRA) halos isang buwan matapos ang pagbakante ng puwesto ni David Alba.
Ayon kay Sugar Regulatory Administration Board Member Pablo Luis Azcona, kung sakaling walang administrator, ang chairman ng board ang papalit bilang OIC hanggang ang isang administrator ay mahirang o ang board ay magtalaga ng isa pang OIC na kadalasang pinaka-senior na deputy administrator.
Kung matatandaan, ang Malacañang, noong Marso 24, ay nag-anunsyo na si Alba ay nagbitiw bilang Sugar Regulatory Administratio chief dahil sa kanyang lumalalang kondisyon sa kalusugan.
Iginiit din ni Alba na ang kanyang pagbibitiw ay dahil lamang sa mga kadahilanang pangkalusugan at walang kinalaman sa kontrobersyal na pag-angkat ng 400,000 metric tons ng asukal.
Sa pagtatalaga kay Panganiban bilang OIC, sinabi ni Azcona na ang senior undersecretary ay ang chairman ng Sugar Regulatory Administratio Board, na kumakatawan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Sinabi ni Azcona na si Panganiban ang hahawak sa pang-araw-araw na gawain ng adiministrasyon hanggang sa oras na magkaroon ito ng bagong OIC.