-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na magtatapos ang kaniyang termino may malinis.

Ayon sa kalihim na mayroong solidong pundasyon ang kaniyang iiwan na ahensiya.

Ipinagmalaki pa nito na ginawa niya ang lahat ng makakaya para tulungan ang mga magsasaka at mga mangingisda lalo na noong dumaan ang mga pagsubok.

Mariin din nitong kinokondina ang mga nagaganap na kurapsyon at tiniyak niya na naging ‘vigilant’ ang nasabing ahensiya sa anumang iligal na gawain.

Ipapaubaya na rin aniya nito sa Presidential Anti-Corruption Commission o ang Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa nagaganap na agricultural smuggling.