-- Advertisements --
Plano ng Department of Agriculture (DA) na magkaroon ng suggested retail price (SRP) ng ilang mga agricultural products.
Ito ay para maprotektahan ang mga mamimili dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Sinabi ni DA Undersecretary Kristine Evangelista, na kanilang kokonsultahin ang mga producers bago ang pag-implementa nito.
Aminado rin ang DA na may ilang negosyante ang nag-aalangan na maipatupad ito dahil sa magkakaiba ang presyo nito mula sa mga suppliers.
Bukod pa sa nasabing panukala ay plano din ng DA na mag-angkat ng asukal para mag-stabilized ng presyo sa merkado.