-- Advertisements --
Pabor si Department of Agriculture (DA) Undersecretary Ernesto Gonzales sa pagpataw ng mas mataas na price ceiling sa presyo ng mga karne ng baboy.
Sinabi nito na nararapat lamang mula P300-P330 ang itataas dahil kapag mas mataas pa ito ay sa P330-P360 ay marami ang hindi sasang-ayon.
Taliwas ito sa nais ng hog producers, meat dealers at tindero ng mga baboy dahil nais nila ang pagkakaroon ng suggested retail price (SRP) sa mga presyo ng karne ng baboy.
Ayon kay Nicanor Briones ang bise presidente ng Pork Producers Federation of the Philippines na kapag mayroong SRP ay makokontrol pa ng mga vendors ang kanilang benta.
Mabilis din aniya maisusumbong ng mga mamimili ang mga negosyante na lalagpas sa itinakdang SRP.