-- Advertisements --

Ginisa ni Ako Bicol Party List Representative at Chairman ng House Committee on Appropriations Representative Elizaldy Co ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) ng sumalang ang ahensiya sa budget briefing kahapon.

Inihayag ni Co na nuong buwan ng Marso at Abril ay nagsagawa sila ng mga pulong kasama si Speaker Martin Romualdez, DA Undersecretary Leocadio Sebastian at iba pang opisyal ng Agriculture Department para maghanap ng solusyon hinggil sa nagbabadyang pagtaas ng presyo ng bigas.

Siniguro naman ni Usec. Sebastian na hindi mangyayari ang pagtaas ng presyo ng bigas sa susunod na taon.

“We know it’s coming, that the price will go up to 60 pesos and we don’t want it to happen because this happened the last time during the administration bumagsak yung rating. We don’t want it to happen and you assured us up to May. Sinabi mo imposibleng mangyayari yan,” pahayag ni Co.

Hindi naman napigilan ni Rep. Co ang kaniyang pagka dismaya kay Usec. Sebastian sa pagbibigay ng maling katiyakan.

Ayon sa Bicol solon, dapat isama ang mga opisyal na nagko-contribute sa ekonomiya ng pagsabotahe.

Paliwanag naman ni Sebastian na hindi niya mahuhulaan ang pagbabawal ng India sa rice exportation na nakaapekto sa pagpepresyo ng bigas sa pandaigdigang merkado.

Gayunpaman, sabi ni Co na ito ay isang supply and demand kung maraming supply ng bigas hindi magtataas ng presyo sa kabila ng mataas na presyo sa world market.

“There must be a mechanism, hindi naman pwedeng pabayaan na lang natin mag-fly yung presyo. Unang-una pinangako ng ating Pangulo na bababa ang presyo di ba 20pesos.We can buy low then i-reserve mo yan para hindi tumaas para naman hindi maaapektuhan ang publiko. We need to make some recommendation for that kasi hindi pwede next year ganun na naman,” pahayag ni Rep. Co.

Iminungkahi naman ng mambabatas ang asosasyon ni Speaker Romualdez mula sa Vietnam at Thailand para makakuha ng magandang deal sa government-to-government importation.

Siniguro naman ni Co na nakahanda ang Kongreso na makipagtulungan sa mga ahensiya na bubuo ng bagong polisiya o batas upang matiyak ang katatagan ng presyo ng bigas at tulungan ang mga mahihirap nating mga kababayan.