Naniniwala ngayon ang Department of Agriculture (DA) na hindi artipisyal ang nararanasang kakulangan ngayon sa bansa.
Sinabi ito ni DA Usec. Domingo Panganiban batay aniya sa daan-daang sako ng mga asukal na nadidiskubre sa ilang bodega sa bansa matapos na magsagawa ng inventory BOC, DA, at DTI ukol dito.
Aniya, ang natuklasang mga saku-sakong asukal na ito ay patunay lamang hinohoard ang mga asukal sa bansa na iniimbak lang aniya ng mga traders.
Dagdag pa ni Domingo, sakaling mapatunayan aniya na mayroon ngang hoarding na nagaganap sa supply ng asukal ay kukumpiskahin ito ng gobyerno atsaka naman ipapamahagi sa mga supermarket at sellers para naman maipagbili sa mas murang halaga.
Matatandaan na kamakailan lang ay mayroong nadiskubreng 57,000 sako ng mga imported na refined sugar ang mga tauhan ng Bureau of Customs sa isang bodega sa Quezon City.