-- Advertisements --

May mga kinakausap na ang Department of Agriculture na mga negosyante at ibang mga potential institution buyers para hikayatin ang mga ito na bumili ng mga native na bawang mula sa mga lokal na magsasaka.

Sinabi ni DA Undersecretary Kristine Evangelista, na kanilang hinihikayat ang mga biyaheros at ilang mga traders na bumili sa mga magsasaka sa iba’t-ibang rehiyon para maibenta sa Metro Manila.

Gaya aniya ng ginagawa ng kanilang opisina na bumibili ng mga bawang mula sa mga local farmers at ito ibinebenta ng mura sa kanilang kadiwa program.

Sakaling maipasok din ito sa malalaking supermarkets at palengke ay makakabili na rin ang mga consumers ng mga native na bawang.

Kapag nagawa aniya ang ganitong paraan ay hindi magsasawa ang mga farmers na magtanim ng magtanim.

Magugunitang ibinunyag ng mga magsasaka sa Batanes at Occidental Mindoro na maraming mga bawang na kanilang naani ang nasira dahil sa labis na suplay nito.