-- Advertisements --
image 365

Nakatutok ngayon ang Department of Agriculture sa mga climate-resilient water infrastructure upang maisulong ang water conservation sa buong bansa.

Ito ay bahagi ng commitment ng DA para matugunan ang kakulangan ng tubig bilang epekto ng El Nino.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla, may ilang nakahanay na teknolohiya na kanilang isusulong na maparami sa ibat ibang bahagi ng bansa, para sa nasabing programa.

Kinabibilangan ito ng mga solar-powered irrigation systems, pagtatayo ng mga state-of-the-art water-impounding facilities at mga dam, kasama na ang pagtatayo ng flood control at sea wall sa mga flood-prone areas.

Sa pamamagitan ng mga nasabing pasilidad, umaasa ang Kagawaran ng Pagsasaka na maimbak ang mga tubig ulan, o maging ang mga tubig baha, at maaaring magamit ng mga magsasaka sa mga susunod na araw.

Sa kasalukuyan aniya, patuloy pa rin ang panawagan ng kagawaran sa bawat isa na magtulungan upang maibsan ang labis na epekto ng El Nino sa buong bansa, lalo na at apektado rin nito ang food supply sa buong bansa.