-- Advertisements --

Mayroon ng P74.55 milyon ang inisyal na damyos sa agrikultura ang naitala ng Department of Agriculture (DA) sa Calabarzon region matapos na pagputok ng bulkang Taal.

Umabot kasi sa mahigit 752 hektarya ng mga pananim at mga livestocks ang nasira.

Aabot rin sa 6,000 na fish cages ang nasira dahil sa mataas na sulfur contents mula sa abo ng Taal.

Tiniyak naman ng National Food Authority (NFA) na may sapat na suplay ng bigas sa mga apektado ng pagsabog ng Taal volcano.

Sinabi NFA Administrator Judy Carol Dansal, na bukas ang kanilang tanggapan 24 oras para sa relief operations ng mga government offices.

Mayroong 1.96 milyon sako ng bigas ang nakalaan sa Southern Tagalog, 197,000 na sako ng bigas sa National Capital Region at 1.96 million na sako ng bigas sa Region 3 o Central Luzon.