-- Advertisements --

VIGAN CITY – Makikipagpulong ngayong araw ang Department of Agriculture (DA) sa mga concerned agency at sa mga local government units (LGUs) maging ang mga naapektuhang magsasaka at mangingisda sa nangyaring phreatic eruption ng Taal volcano noong nakaraang linggo.

Sa huling tala ng DA, aabot na sa P3.2 bilyon ang halaga ng mga nasira sa sektor ng agriktultura dahil sa nasabing pangyayari.

Ito ang kinumpirma ni Agriculture Secretary William Dar sa panayam ng Bombo Radyo Vigan.

Kasabay nito, muling ipinangako ng kalihim na patuloy ang kanilang pagbibigay ng ayuda sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda upang matulungan silang makabangon muli.