Itatatag ng Department of Agriculture (DA) ang Optimization and Resiliency In the Onion Industry Network (ORION) Program upang suportahan ang lokal na industriya, at pataasin ang produksyon at kita ng mga stakeholder ng sibuyas sa bansa.
Kung matatandaan, sa direktiba ng Pangulo, nagsagawa ang departamento ng stakeholders’ meeting kamakailan kung saan naupo ang Bureau of Plant Industry, High Value Crops Program, Agriculture and Marketing Assistance Service (AMAS), at iba pang concerned units ng departamento upang malutas ang mga isyu na nagdulot ng pagtaas ng presyo sibuyas mula noong huling bahagi ng 2022.
Binigyang-diin ng mga talakayan na ang pag-aangkat ng 260,000 metriko tonelada ng sibuyas ay hindi matutugunan ang taunang pangangailangan dahil ito ay itinatanim lamang sa tag-araw, at angkop sa mga piling mga lalawigan ng Luzon at Visayas.
Dagdag dito, ang iba pang salik na nakakaapekto sa presyo at suplay ng bilihin ay ang pagtaas ng presyo ng production inputs, kabilang ang mga pataba at binhi na ginagamit ng mga magsasaka.