-- Advertisements --
image 386

Nilinaw ng pamunuan ng Department of Agriculture na mas mababang bulto ng palay ang kanilang inaasahang aangkatin mula sa ibang bansa, kumpara sa naunang projection ng United States Department of Agriculture.

Magugunitang kahapon ay inilabas ng United States Department of Agriculture ang pagtaya nito na mauungusan na ng Pilipinas ang China bilang top-exporter ng bigas sa buong mundo.

Sa naging projection ng USDA, maaring papalo sa 3.8million metriko tonelada ang aangkatin ng Pilipinas.

Pero ayon kay Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, inaasahan ng pamahalaan na mas mababa kaysa sa 3.8million metriko tonelada ang kanilang aangkatin mula sa ibang bansa, dahil na rin sa patuloy nilang ginagawang local procurement.

Katwiran ni Usec Sebastian, mahirap umasa sa importation, kayat patuloy nilang pinapalakas ang local production at local procurement.

Kampante ang opisyal na mas mababa ng aangkatin ng Pilipinas sa 2024, kumpara sa projection ng US, sa tulong na rin ng mga lokal na magsasaka sa buong bansa.