-- Advertisements --
Ipinagtanggol ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta nila ng P29 na kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa outlets.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary and spokesman Arnel de Mesa na ito ay isang testing stage lamang kung saan target nilang ilunsad ang programa sa Hulyo sa buong bansa.
Tinignan lamang nila kung ano ang mga kahinaan at challenges sa mga Kadiwa para magkaroon ng adjustments kapag nagsimula na ito nationwide sa Hulyo.
Ang nasabing inisyatibo ay mabebenepisyuhan ang nasa 25 percent na populasyon ng bansa na pawang mga mahihirap.