Tumaas na ang presyuhan ng palay sa Ilocos Region, batay sa naging monitoring ng Department of Agriculture.
Sa kalagitnaan ng Oktubre, 2023, iniulat ng DA na umaabot na sa P15-P22 ang kada kilo ng wet palay sa Pangasinan.
Sa La union ay P15.00-P18.00, sa Ilocos Sur ay P17.00-P17.50 at Ilocos Norte ay P16.50-P18.50 bawat kilo, na pawang sa mga wet palay.
Ito ay katumbas ng kabuuang pagtaas ng hanggang sa 5.88% na pagtaas ng presyo sa buong rehiyon.
natukoy din ng DA ang matatag na presyo ng mga dry palay, sa gitna na rin ng anihan ng mga palay ngayog season.
Ayon sa DA, sa Pangasinan ay P18.00-P24.00 ang kada kilo, sa La Union ay P20.00-P24.00, sa Ilocos Sur ay P17.00-P22.00 at sa Ilocos Norte ay P21.00-P23.00 ang kada kilo para sa dry.
Ang naturang presyuhan ay pasok sa una nang inaprubahan ng NFA Council na mataas na buying price ng bigas sa buong bansa.
Maalalang una nang itinaas ang buying price para sa wet palay mula sa dating P16/kilo at ginawang P19/kilo, habang para sa dry palay, itinaas ito mula sa dating P19/kilo at ginawang P23/kilo.