-- Advertisements --

ILOILO CITY – Humingi ng paumanhin ang Department of Agriculture (DA) sa mga lokal na magsasaka dahil sa idinulot na ‘birth pains’ o pasakit ng Rice Tariffication Law (RTL).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay DA Asec. Dr. Andrew Villacorta, sinabi nito na mayroong twin objective na ang Republic Act No. 11203 kung saan bibigyan ng mas murang bigas ang mga mamimili habang tinataasan naman ang kita ng local farmers.

Maliban dito ayon kay Villacorta, hangarin rin ng nasabing batas na magkaroon ng food security sa Pilipinas.

Sa kabila nito, inamin ni Villacorta na ang mga nasabing hangarin ay hindi naabot dahil salungat ang kinalabasan nito.

Nabatid na ang farm gate price ng palay ay nasa P11 hanggang P14 at kung ihahambing ay mas mataas pa ang presyo ng palay noong 2018.