-- Advertisements --

Hinihimok ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa eastern Luzon at Visayas na anihin na ang kanilang mga tanim para maiwasan ang pagkalugi sa agrikultura dahil sa papalapit na bagyong “Bising”

Kailangan umanong maghanda ang mga magsasaka sa pagdating ng nasabing bago kahit pa mababa lang ang tsansa na mag-landfall ito pero dapat pa ring maghanda ang mga ito sa posibleng pagbabago na maaaring mangyari.

Hinihikayat din ni DA Sec. William Dar ang mga mangingisda na malapit sa dadaanan ng bagyo na mag-ingat at huwag munang mangisda sakali mang sumama ang kondisyon ng panahon bunsod nang papalapit na bagyo.

Ayon naman kay DA Eastern Visayas Dir. Angel Enriquez na mayroong 125,000 hectares ng sakahan ang nasa reproductive stage na at 69,902 hectares naman ang nasa maturity age.

Aabot naman ng 460 hectares ang nataniman na ng mais.

Inatasan na rin ang lahat ng regional directors ng ahensya na nasa Eastern Visayas, Bicol at Northern Mindanao na pakilusin ang kanilang regional disaster risk reduction and management teams upang kaagad rumesponde sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.