-- Advertisements --

Handang sagutin ng Department of Agriculture (DA) ang anumang imbestigasyon na ilulunsad ng Office of the Ombudsman.

May kaugnayan ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pula at puting sibuyas sa pamilihan.

Ayon kay DA spokesperson Rex Estoperez na sila ay tatalima sakaling magsimula na ang imbestigasyon mula ng Office of the Ombudsman.

Magugunitang sinabi ni Ombudsman Samuel Maritires na nais niyang makita kung mayroong pagkakasangkot ang ilang mga negosyante sa pagmamanipula ng presyo ng mga sibuyas sa bansa.