-- Advertisements --
bird flu

Hinimok ni House Ways and Means Chair at Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda ang Department of Agriculture (DA) na maghanda ng mga contingencies hinggil sa “rapidly evolving” avian influenza na nakaka apekto sa mga mammals at migratory birds sa South America.

Babala naman ni Salceda na siyang Vice Chairman ng House Committee on Agriculture and Food, na may posibilidad ang Batangas at Cebu ang magiging hotspots ng virus lalo at kilala ang mga nasabing lugar na malaking producer ng poultry products sa bansa.

Ang World Health Organization ay nagbabala laban sa “evolving” H5N1 avian influenza virus na posibleng maging largest outbreak ng avian influenza sa mundo.

Ayon kay Salceda ang Vietnam, Egypt at China ay mayruon ng mga hakbang na ginawa gaya ng malawakang poultry vaccination programs.

Dagdag pa ng economist solon, bagama’t napigilan na ang momentum ng inflation nito ay mayroon pa rin aniyang banta ang avian flu pandemic sa suplay ng pagkain, partikular na s manok, at itlog na kapwa mga source ng protina na abot kaya dahilan kung bakit kinakailangan aniya ng bansa ng contingencies para tugunan ito.

Iminungkahi din ni Salceda na bilang tugon sa developing global situwation, dapat lamang na mag constitue ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Inter-Agency Task Force for animal disease.

Iminungkahi din ng mambabatas na ang Department of Agriculture ay maghanda ng mga mitigation measures gaya ng agricultural insurance para sa mga poultry farms, low-interest loans para sa biosafety investments sa pamamagitan ng Agricultural Credit Policy Council, at disease surveillance mechanisms para sa mga magsasaka.