Target ng Department of Agriculture na maabot ang mas malagong agriculture production sa taong 2024, ayon yan kay Assistant Secretary Arnel de Mesa, tagapagsalita ng naturang kagawaran.
Naghahanda umano si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng isang komprehensibong plano para pangunahan ang country’s crop sector.
Sa Saturday News Forum sa Quezon City, sinabi ng tagapagsalita ng DA na si Assistant Secretary Arnel de Mesa na ginugol ni kalihim ang kanyang unang buwan sa panunungkulan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagpupulong at pakikipag-usap agriculture stakeholders, chief executives ng top producing provinces, at regional directors ng the DA para paghandaan ang plano sa 2024 hanggang 2025.
Sinabi ni De Mesa na ilalabas ng Agriculture chief ang plano ng kagawaran na kung saan naglalaman ng mga target ng administrasyon ni Laurel simula 2024.
Ipinahiwatig ng tagapagsalita ng DA na magtatakda ang Department of Agriculture ng target na at least 3% na output growth sa susunod na taon.