-- Advertisements --
rice

Aminado ang pamunuan ng Department of Agriculture na nahihirapan itong maabot ang isandaang porsyentong self-sufficiency ng bigas.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, napakarami ang kailangang gawin upang maabot ito, sa kabila na rin ng napakaraming hamon.

Tinukoy ng DA official ang pagtaas ng populasyon sa Pilipinas na isa sa pinakamalaking hamon kung saan umaabot na ito sa 110 million batay sa pinakahuling datus.

Ayon kay De Mesa, maaaring hindi ito maabot sa susunod pang mga taon, ngunit ang pangunahing target ng Marcos Administration ay mula 95 hanggang 97% sa mga susunod nataon.

Ngayong taon, positibo naman ang opisyal na tataas ang produksyon ng palay sa bansa, dahil sa ilang kadahilanan.

Una, tumaas aniya ang kabuuang land area na tinatamnan ng palay habang bumababa na rin ang production cost ng palay sa bansa, bunsod ng pagbaba ng presyo ng mga inputs.

Umaasa ang DA aniya na pagsapit ng 2028 ay maabot na ang 97.4% na self sufficiency sa supply ng bigas sa Pilipinas.