-- Advertisements --

Dumating na sa Pilipinas si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala para sa bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinalubong ni Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez Jr si Fiala sa paglapag ng sinakyang eroplano nito s Villamor Airbase sa Pasay City.

Ang nasabing pagbisita ay kasabay ng ika-50th anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa na itinatag noong Okutbre 5.

Ilan sa mga nakatakdang tatalakayin ng dalawa ay pagpapalakas ng bilateral relationships ng Pilipinas at Czech Republic kabilang ang defense cooperation, trade and investment, university linkages, judicial at labor cooperation.