Napigilan din ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang cyber attack na tinangkang i-take down ang website ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ayon kay DICT Undersecretary for Cybersecurity Jeff Ian Dy, nagawang depensahan ng ahensiya ang ilang web applications may kaugnayan sa OWWA mula sa cyber attacks.
Nagawang matunton din ng ahensiya ang command at control center ng cyber attacks na nag-ooperate sa loob ng teritoryo ng China.
Nadetect aniya ang IP address ng mga hacker mula sa China Unicom o China United Network Communications Group na isang telecommunications company na pagmamay-ari ng estado ng China.
Nilinaw naman ni USec. Dy na posibleng hindi direktang sangkot sa cyber attack ang gobyerno ng China.
Matatandaan na noong nakalipas na taon, ilang mga websites ng ahensiya ng gobyerno ang inatake ng ransomware kabilang na dito ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na nagresulta ng leak sa mga datos nito.
Gayundin na-hack din ang websites ng Philippine Statistics Authority (PSA), Philippine National Police (PNP), at Department of Science and Technology (DOST)