Patung-patong na reklamo ang isinampa ng isang grupo sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC).
Kasong usurpation, graft at paglabag sa panuntunan ng Civil Service Commission ang inihain ng corruption watchdog na Transparency in Public Service laban kina Customs chief Rey Guerrero, chief of staff nito na si Teodoro Jumamil, Acting Deputy commissioners Raniel Ty Ramirro at Donato San Juan, at Risk Management Office chief George Patrick Avila.
Ayon kay Atty. Joseph Christian Del Rosario, kwestyonable ang maagang pagsisimula sa tungkulin ng mga opisyal noong November 2018.
Ito’y matapos mabatid na nitong Mayo lang lumabas ang appointment papers ng mga ito.
“In the instant case, conspiracy is evident from the coordinated movements of respondents.”
“During the intervening period ibig sabihin wala silang appointment at wala silang karapatan na i-discharge yung mga appointments nila.”
Dinungisan din daw Customs officials ang gobyerno dahil iligal umano ang pagtatalaaga sa kanila.
Hinimok ng grupo ang Ombudsman na patawan ng preventive suspension ang mga opisyal, gayundin na iakyat ang mga reklamo sa Sandiganbayan.