Pursigido si Golden State Warriors star Stephen Curry na maglaro sa Olympics sa susunod na taon sa kabila ng hand injury na mayroon ito.

Iginiit ni dating NBA player Dell Curry na determinado pa rin ang kanyang anak na ikatawan ang Estados Unidos sa Tokyo sa susunod na taon makaraang sumailalim sa isang surgery dahil sa na-fracture niyang kaliwang kamay.

“Absolutely. That was definitely a goal coming into this year. He wants to play in the Olympics,” saad ni Dell Curry sa isang panayam.

“This is a little setback, but hopefully it’s a goal he can strive for through his rehab,” dagdag pa nito.

Nabatid na hindi pa nakakapaglaro ang six-time All Star at two-time NBA MVP na si Cuttry sa Olympics.

Kahapon lamang ay sumailalim ito sa isang surgery para sa kanyang nabaling metacarpal bone sa kaliwang kamay.

Ayon kay Dell Curry, hindi magmamadali ang kanyang anak sa pagbabalik sa laro.

“It was a tough, tough injury, but he’s doing the best he can. Three to four months, not sure when he is going to come back. Has to take his time and come back with it.”