Inaprubahan na ng Thailand’s Center for COVID-19 situation Administration (CCSA) ang pagtatanggal ng ipinatupad na night curfew sa bansa simula sa Lunes, Hunyo 15.

Ginawa ang desisyong ito matapos ang pagpupulong na pinangunahan ni Prime Minister Prayut Chan-o-cha.

Sa kabila naman nang pagtatapos ng 11pm hanggang 3am curfew ay mananatili pa rin ang state of emergency sa bansa. Napagdesisyunan din ng ahensya na mahigpit na bantayan ang mga magnanais na lumabas o pumasok ng Thailand.

Karamihan daw kasi ng COVID-19 patients ay mula sa mga indibidwal na galing sa ibang bansa.

Papayagan na rin ang pagbebenta ng alak at pagsasagawa ng mga concerts ngunit hindi pa rin papayagan na magbukas ang mga bars at pubs sa naturang bansa.