KALIBO, Aklan – Matapos ilagay sa Alert Level 2 ang lalawigan ng Aklan, mas pinaikli na rin ang curfew hours dito.
Sa inilabas na advisory ni Aklan Governor Florencio Miraflores, epektibo Biyernes ng gabi, ang curfew na ay magsisimula ng alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Maliban dito, dinagdagan ng dalawa ang maaaring isakay na pasahero sa mga bumibiyaheng tricycle mula sa dating dalawa.
Pinalawig rin ang business operations mula sa dating alas-ng umaga hanggang alas-ng gabi ay ginawa itong alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.
Ayon sa gobernador, makakatulong ito para sa pagbangon ng ekonomiya ng lalawigan dahil madadagdagan ang operating hours ng mga establisimiyento na nag-o-operate sa gabi.
Samantala, mahigpit pa rin aniyang ipatutupad ang health protocols dahil nananatili pa ang banta ng sakit.
Kailangan umanong ang tao ang mag-adjust sa pamamagitan ng tamang pagsunod sa mga patakaran.










