-- Advertisements --

Nagpaalala ang Civil Service Commission sa mga empleyado ng gobyerno na magpasa na ng kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN para sa taong 2023 bago mag April 30.

Binigyang-diin ni CSC Chairperson Karlo Nograles na importanteng mag-sumite ng updated na assets at liabilities upang maitaguyod ang transparency at tiwala ng publiko sa gobyerno.

May option naman ang mga mag-asawang parehong nagta-trabaho sa gobyerno. Maaari silang mag-sumite ng iisa o magkahiwalay na SALN. 

Kapag hindi nakapagpasa ng SALN kabilang na ang business interests at financial connections, maaaring maharap sa administrative disciplinary action ang isang empleyado.