-- Advertisements --
image 418

Naglunsad ng online eligibility verification system ang Civil Service Commission na nagpapahintulot sa mga human resource management officer (HRMOs) ng mga ahensya ng gobyerno at publiko na ma-access ang civil service eligibility information.

Sinabi ni CSC chairperson Karlo Nograles na sa halip na kailanganin ang pagsusumite ng authenticated proof of eligibility mula sa mga aplikante, maaari nang gamitin ng human resource management officer ng ahensya ang portal para suriin ang eligibility ng mga indibidwal.

Aniya, pinalalakas nito ang proseso ng attracting, screening, at appointing individual sa ating gobyerno.

Ang Civil Service Eligibility Verification System ay isang online platform na nagbibigay-daan sa pag-access sa database ng mga karapat-dapat na indibidwal na matagumpay na nakapasa sa Career Service Exam.

Ito ay sa pamamagitan ng pen-and-paper test, computerized examination, at computer-assisted test.

Kasama rin dito ang mga nabigyan ng pagiging karapat-dapat sa ilalim ng mga espesyal na batas at mga pagpapalabas ng CSC.

Binigyang diin ni Nograles, na ang pinagsama-samang sistemang ito ay naglalayong bawasan ang gastos at oras na ginugol sa mga pamamaraan ng eligibility verification and authentication.