Pinakabagong biktima ng mga hackers kung saan nanakawan ng 600 million dollars at ang finance platform.
Sinasabing ito na ang pinakamalaking pagnanakaw na nangyari sa kasaysayan ng industriya.
Ang naging kahinaan sa Poly Network ay pinapayagan ang magnanakaw na mag-make off sa mga pondo kung kaya ay nakiusap ito sa mga attackers na ibalik ang pera.
Ayon sa Poly Network, ang perang ninakaw ay mula sa lib-libong mga miyembro ng crypto community members.
Hinimok din nito ang mga miyembro ng cryptocurrency ecosystems na e-blacklist ang assets na nagmula sa address na ginamit ng mga attackers upang nakawin ang kanilang pondo.
Sa ngayon nakipag-ugnayan na ang Poly Network sa kanilang mga security partners upang humingi ng tulong.
Sa kasalukuya, ibinalik umano ng hackers ang 260 million dollars.
Nag-post pa ang hacker ng mga mensahe na nangangako upang ibalik ang mga pondo at sinasabing “hindi sila interesado sa pera”. (with reports from Bombo Jane Buna)