-- Advertisements --

Pinapaiwas muna ng US government ang lahat ng matatanda na may iniindang sakit na sumama sa mga social gatherings at lumabas ng bansa bilang pag-iwas sa mabilis na pagkalat ng coronavirus sa Estados Unidos.

Ayon kay Anthony Fauci, pinuno ng infectious diseases unit sa National Institutes of Health, inaasahan na dadating na ang nasa 400,000 testing kits para mas mapabilis ang isinasagawang testing sa mga pasyente.

Umabot na sa 500 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Amerika, kasama na rito ang 22 namatay dahil sa virus.

Halos kalahati naman sa 50 estado ang nag-report na ng infections sa kani-kanilang lugar. Tulad na lamang ng Virginia, Connecticut, Iowa, at Puerto Rico.