-- Advertisements --

Inihayag ni Ret. Judge Lorenzo Balo na naging kulang at hindi sapat ang isinagawang cross-examination ng defense team sa testimonya ng forensic accounting expert na si Atty. Alexander Cabrera sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa retiradong hukom, nakatuon lamang ang pagtatanong ni defense lawyer Atty. Kristine Ferrer sa mga teknikal na aspeto at sa kredibilidad ng saksi sa halip na busisiin ang kaniyang ginamit na metodolohiya.

Sinabi ni Balo na hindi nagbunga ng epektibong pagsusuri ang naging estratehiya ng depensa sa mismong substansya at mga datos ng forensic accounting analysis.

Ang testimonya ni Cabrera ay bahagi ng ebidensya ng prosekusyon kaugnay ng diumano’y unexplained wealth at hindi pagdedeklara ng ilang asset ng Bise Presidente.

Binigyang-diin ng dating judge ang kahalagahan ng masusing pagpuksa sa pamamaraan ng isang expert witness upang tunay na matukoy ang bigat at kredibilidad ng kaniyang pahayag sa hukuman.