-- Advertisements --

Handang sagutin ng showbiz host Cristy Fermin sa korte ang kasong cyberlibel na isinampa ng actress na si Bea Alonzo.

Sinabi nito na kaakibat na ng kaniyang trabaho ang mga kaso gaya ng libel.

Hinihintay lamang nito ang kopya ng kaso at handa nitong sagutin ang nasabing kaso sa korte.

Pinaalalahanan nito ang actress na bilang artista ay ‘public figure’ ito kaya hindi dapat maging maselan sa mga komento sa publiko.

Giit pa ni Fermin na patas ang lahat ng mga komento sa kaniyang programa at ipinapaubaya na lamang niya sa mga indibidwal kung paano sila sumagot.

Magugunitang nitong Huwebes ay naghain ng kasong cyberlibel sa Quezon City prosecutors office ang actress laban kay Fermin at talent manager na si Ogie Diaz dahil umano sa mapanirang komento sa kaniya.