Nakataas na ngayon ang tropical cyclone wind signal number two (2) sa mga sumusunod na lugar dahil sa bagyong Crising: Southern portion ng Surigao del Sur (Lingig, City of Bislig), southern portion ng Agusan del Sur (Loreto, Trento, Bunawan, Santa Josefa, Veruela), northern portion ng Davao Oriental (Boston, Cateel, Baganga), northern portion ng Davao de Oro (Laak, Monkayo, Montevista, Compostela, New Bataan, Nabunturan,Mawab) at northern portion ng Davao del Norte (Kapalong, San Isidro, Asuncion, New Corella, Talaingod).
Habang signal number one (1) naman sa natitirang bahagi ng Surigao del Sur, natitirang lugar sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, nalalabing bahagi ng Davao Oriental, iba pang lugar sa Davao de Oro, natitirang bahagi ng Davao del Norte, Davao City, Bukidnon, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Camiguin at eastern portion ng Zamboanga del Sur (Josefina, Molave, Tambulig, Aurora).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 250 km sa silangan ng Davao City, Davao del Sur.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Taglay ng bagyong Crising ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.