ILOILO CITY – Patay ang isang criminology graduate matapos tinangkang tagain at saksakin ang chief of police sa Sta. Barbara, Iloilo.
Kinilala ang suspek na si Joel Simpao, 41, binata at residente ng Barangay Bagumbayan, Sta. Barbara, Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Major Raymond Celoso, hepe ng Sta. Barbara Municipal Police Station, sinabi nito na tumawag sa kanila ang pamilya ng suspek matapos inatake umano ng nervous breakdown.
Ayon kay Celoso, nang dumating sila sa bahay ng suspek, sinubukan nilang pakalmahin ang suspek ngunit naging agresibo ito at tinangka pa siyang tagain at saksakin.
Dito na at binaril ito ng mga rumespondeng pulis ng siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Napag-alaman na dumanas ng depression ang suspek.