Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong kriminal na inihain laban kina Communist Party of the Philippines founding chair Jose Maria Sison, Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, Bayan Muna chairman Neri Colmenares at iba pang aktibista.
May kaugyan ito sa reklamo sa umano’y recruitment sa mga senior high school students patungo sa youth organization na Anakbayan.
Inaprubahan ni Prosecutor General Benedicto Malcontento ang October 15 resolution ng investigating prosecutors na nagrerekomenda sa dismissal sa mga kasong kidnapping at pag-recruit daw sa 19-anyos na si Alicia Jasper Lucena na noon ay nag-aaral sa FEU patungo sa armadong grupo.
Una rito ang ina ni Alicia na si Relissa Lucena ay naghain ng kaso sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong nakaraang taon.