Bumaba ang crime rate sa Pilipinas ng 59% sa loob ng dalawang araw ayon sa Philippine National Police (PNP).
Mula sa data ng PNP Crime Research Analysis Center, sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na nakapagtala ng 34 index crimes noong Setyembre 19 na mas mababa sa 59.03% kumpara sa naitalang 83 incidents noong Setyembre 18.
Kabilang sa index crimes ang mga offenses gaya ng murder, homicide, physical injury, panggagahasa, pagnanakaw at pagnanakaw ng sasakyan.
Habang bumaba naman ang non-index crimes gaya ng paglabag ng special laws ng 87.65% mula sa dating 721 ay bumaba ito sa 89 incidents.
Kabilang sa mga krimen na bumaba ay sa illegal gambling o pagsusugal bunsod ng pinaigting na law enforcement operations ng police units.
Ang paglalabas ng impormasyon ng PNP sa crime rate ay kasunod ng napaulat sa ilang social media platforms na umano’y pagtaas ng krimen sa bansa.