Bumaba ang crime rate magmula nang ipinatupad ang lockdown noong Marso, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa kanyang pagharap sa virtual hearing ng House Committee on Health, sinabi ni DILG Usec. Rj Echiverri na bumaba ng 61 percent ang crime rate sa bansa dahil sa lockdown.
Ayon kay Echiverri, base sa datos ng Philippine National Police, magmula nang ipinatupad ang lockdown noong Marso ay pumapalo lamang sa 556 ang bilang ng reported theft incidents sa bansa, habang 295 naman ang robbery.
Mababatid na sa ilalim ng quarantine protocols ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF-EID), nililimitahan ang paglabas ng bahay sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine.
Ilang local government units pa ang nagpatupad ng curfew hours para maiwasan din ang pagkalat pa lalo ng COVID-19.