-- Advertisements --
Tinanghal na kampeon ng 2022 Philippine Volleyballs League Open Conference ang Creamline Cool Smashers.
Nakuha kasi nila ang dalawang sunod na laro sa best of three finals sa pagitan nila ng Petro Gazz sa score na 25-18, 15-25, 25-23, 25-16.
Dinala ni team captain Alyssa Valdez ang Creamline kung saan binuhay niya ang laro sa ikatlong set ng magtabla sila sa unang dalawang set.
Tumulong naman sina Nicole Tiamzon at Chie Sate.
Itinuturing na ito ang pagbangon ng Creamline matapos na sila ay mabigo sa kamay ng Chery Tiggo noong 2021 Open Conference.
Sa kabuuan ay mayroon ng apat na kampeonato ang Creamline mula ng lumahok ang mga ito sa liga noong 2018.










