-- Advertisements --
cropped jeepney 2

Nagbabala ang pamunuan ng Land Transportation Office sa mga colorum na pampublikong sasakyan, kasama na ang mga school service.

Ito ay kasabay ng order na inilabas ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista kung saan panibagong crackdown ang gagawin sa pangunguna ng LTO.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, nagbigay na sya ng direktiba sa lahat ng mag regional director sa buong bansa upang magdeploy ng mga enforcement team nito na silang magsagawa ng operasyon.

Kasama sa mga babantayan aniya ay lahat ng uri ng pampublikong sasakyan, mula sa mga public utility bus hanggang sa mga school service.

Aminado ang LTO official na matagal na itong problema ng tanggapan at kailangang mai-pokus na dito ang kanilang mga operasyon.

Lagi-lagi aniyang nasa panganib ang buhay ng mga commuter dahil sa presensya ng mga kolorum, kayat panahon na rin upang mapatigil ang lahat ng mga ito.

Ito ay dahil na rin aniya sa hindi sumasailalim ang mga naturang sasakyan sa tamang inspeksyon at hindi nasusukat ang road worthiness ng mga ito.

Sasaklawin naman ng panibagong crackdown ang lahat ng mga pampublikong terminal sa buong bansa na target mapuntahan ng LTO enforcers.

———————-