-- Advertisements --
Inutusan ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang New People’s Army (NPA) na palawigin ang nationwide ceasefire ng karagdagang 15 araw dahil sa coronavirus disease 2019 pandemic.
Ayon sa CPP Central Committee na magtatapos ang extension hanggang Abril 30 dakong 11:59 p.m.
Sa inilabas na kalatas, na ang extension ay para matiyak ang mabilis at hindi maaantala sa mga taong nagbibigay ng mga medical, health at socioeconomic assistance.
Magugunitang unang nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng ceasefire sa mga komunista ng hanggang Abril 15.