CAGAYAN DE ORO CITY – Itinuring ng militar na malaking dagok sa liderato ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang pagkapatay nila sa isang mataas na rebel combatant official sa engkuwentrong naganap sa Brgy Libertad,Gingoog City,Misamis Oriental.
Kinompirma ni 4th ID,Philippine Army spokesperson Maj. Francisco Garello Jr ang pagka-rekober sa bangkay ng 61 anyos na si Dionisio Micabalo alyas Muling na tubong-Dangcagan,Bukidnon kasama ang AK-47 rifle at iba pang kagamitang pandigma sa encounter site sa lugar.
Sinabi ni Garello na tropa ni 58th IB,Philippine Army commander Lt Col. Christian Uy ang nakasagupa sa puwersa ni alyas Muling na Sentro de Gravidad MTJ Eagles ng Sub-Regional Committee 1 na humantong ng 10 minuto ang pagpapalitan ng mga putok.
Dagdag ng opisyal na si alyas Muling ay ang kasalukuyang secretary general ng CPP-NPA’s North Central Mindanao Regional Committtee na kumikilos sa ilang probinsya ng Caraga region at buong area ng Northern Mindanao.
Batay sa AFP data, mayroong kinaharap na mga kasong rebellion,double murder with frustrated murder,arson at paglabag ng Crimes Against International Humanitarian Law (Republic Act 9851).