Binuweltahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang Communist Party of the Philippines matapos sabihin ng grupo na “band-aid” solitions lamang para pagtakpan ang tunay na ugat ng rebelde sa mga malalayong lugar sa bansa ang barangay development programs (BDP) ng anti-communist task force ng pamahalaan.
Sa isang statement, tinawa ni Esperon ang posisyon na ito ng CPP bilang “act of desperation” sa bahagi ng naturang makakaliwang grupo.
Salungat sa inihayag ng information officer ng CPP na si Marco Valbuena, sinabi ni Esperon na ang BDP ay flagship program ng Duterte administration para wakasan ang local comunist armed conflict sa pamamagitan nang pagbigay nang solusyon sa ugat nang insurgency sa bansa.
Nabatid na ang pondo para sa BDP ay nakapaloob sa ilalim ng alokasyon para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para sa taong 2021.
Pinabulaanan ni Esperon ang sainsabi ni Valbuena na sa ilalim ng BDP, aabot sa P20 million ang ipapamahagi sa 215 barangay.
Ayon kay Esperon, ang P20 million na ito ay ibibigay sa kada barangay na wala nang banta o impluwensya ng New People’s Army mula 2016 hangang 2019.
Kabuuang 822 barangay aniya ang makakatanggap ng P20 million na BDP assistance, at hindi 215 katulad nang sinasabi ni Valbuena.
Nangangahulugan lamang aniya ito na P16.44 billion ang nakalaan para sa programa at proyektong ipapatupad sa ilalim ng BDP.